Sunday, December 13, 2009

Isang Pasasalamat

Sunday, December 13, 2009 0

This is a letter written by a thyroid cancer patient who came all the way from Nueva Ecija and got held up along Caloocan while on his way to Red Cross to get blood for his operation. He came to the emergency room without any money, a BP of 180/100, chest heaviness, nape pain, dizziness and difficulty of breathing.

Through the efforts of hospital personnel, doctors and the medical team, it became possible that this patient was managed for free.    Even the pedia and surgery people and the nurses donated so that the patient can travel back home to Nueva Ecija.


---------------------------


22 September 2009

To all who lifted a finger so I can move to travel the hundred miles back to where I belong -- my sincerest thanks.

The two contrasting events that manifested in me today; first the traumatic experience of giving away what is not even rightfully mine at the point of a bladed weapon, the other more than consoling and compensating show of compassion and kindness in their effort to lighten up my burden, more than attests to the fact that behind the clouds is a silver lining -- a living proof that God will never abandon us -- that for always, His provisions will reach us through His mandated instrumentalities.

True enough, each and everyone of you went over and above your call to duty. You did not only exerted an extra effort -- you were willing to sacrifice walking extra miles so you can extend your services and more than anything else your kindness and benevolence. Truly, God lives in you.

All these changed my feelings of anger, bitterness and revenge into thoughts of forgiveness and prayers. you gave me all the courage to pray for the souls of the 2 holduppers that they may change their ways and for God to grant them His mercy.

My deepest thanks to all and God bless!

I was a former seminarian

Sincerely,
Tatay CSV
UST emergency room 


---------------------------------------------------------------------------

Tatay CSV passed away already when Typhoon Pepeng hit their area.  May this serve as a reminder for us in the medical profession to exert a little effort of extra kindness to our patients... it goes a long way.

Thanks Michelle for sharing. 

Thursday, December 10, 2009

Medical Frustrations

Thursday, December 10, 2009 1

Nalalabi na lang ang mga araw ko sa ospital na ito bilang isang medical resident. Isa siguro sa mga ma-m-miss kong gawin ay ang pagtuturo sa clerks/interns.

Kaya naman, nung makita ko ang isang medical clerk na mukhang walang ka-muwang-muwang sa ginagawa niya, nag-attempt ako na i-explain sa kanya ang tungkol sa kundisyon ng pasyente niya.

So tinanong ko siya kung anu iniisip niya kung bakit nagkaka-"ganun" ang kanyang pasyente. Hindi theoretical question ang tanong ko. Actually, tinanong ko siya ng opinyon niya kung anu ang tingin niya sa nangyayari sa pasyente niya.

Blank stare. Parang na-engkanto ng kung-anu ang clerk.

30 seconds.  Na parang eternity na sa tagal.

Tapos nang malaman niya na mukhang wala na talaga siyang maisasagot, biglang sinabing, "Doc, kelangan ko pa kasing tumingin ng ibang pasyente..."

Sabay talikod, at kunwari tumingin sa ibang pasyente AS IF DOING SOMETHING.

Alam mo yun, parang biglang may primal instinct na lang sa loob ko na gustong maging monster at lamunin ang clerk na iyon? Pero ayoko ko nang dagdagan pa ang mga "issues" between clerks at mga residente na animo ay "nag-p-power trip" lang. 

Minsan kasi, ang kaledad ng mga medical students, hindi lang nalalaman sa performance sa board exams. Nalalaman din ito sa pakikitungo ng mismong medical student sa pasyente niya, at sa pag-uugali nito, kasama na ang respeto sa mga superiors, at sa "intellectual honesty" at "humility", ang kababaang-loob na aminin na at this point, hindi pa niya alam ang lahat.  At siguro, ang pag-p-pursige na mag-aral (diligently) ng mabuti hindi lang para makapasa sa test/quiz/written revalida kungdi dahil makakatulong ang maraming kaalaman sa ikabubuti ng mga magiging pasyente niya.
 
Hindi ko alam kung saan lupalop galing 'yang mga pag-uugali ng mga ibang clerks/interns na yan. Dahil hindi lang naman siya ang may kabastusang taglay. Kahapon lang, nag-re-reklamo sa amin ang isang consultant sa pag-uugali ng mga students niya. Hindi ko nilalahat ang mga clerks/interns. In fact, mas marami akong kilalang clerks na mahusay, at maganda makitungo. At ang iba pa sa kanila ay fin-follow ko sa twitter at ka-facebook ko pa.

Ang kinakatakot ko lang, makaka-graduate din ang clerk na yan. At magiging duktor din siya eventually. Wag sana niya sapitin na mamatayan ng pasyente dahil sa kanyang kakulangan.

Wag naman sana.

Friday, November 27, 2009

The 10 CONYOmmandments

Friday, November 27, 2009 0
1. Thou shall make gamit "make+pandiwa".
ex. "Let's make pasok na to our class!"
"Wait lang! I'm making kain pa!"
"Come on na, we can't make hintay anymore! It's in Andrew pa, you know?"

2. Thou shall make kalat "noh", "diba" and "eh" in your pangungusap.
ex. "I don't like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it's like, so eew, diba?"
"What ba: stop nga being maarte noh?"
"Eh as if you want naman also, diba?"

3. When making describe a whatever, always say "It's SO pang-uri!"
ex. "It's so malaki, you know, and so mainit!"
"I know right? So sarap nga, eh!"
"You're making me so inggit naman.. I'll make bili nga my own burger."

4. When you are lalaki, make parang punctuation "dude", 'tsong" or "pare"
ex. "Dude, ENGANAL is so hirap, pare."
"I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh"

5. Thou shall know you know? I know right!
ex. "My bag is so bigat today, you know"
"I know, right! We have to make dala pa kasi the jumbo Physics book eh!"

6. Make gawa the plural of pangngalans like in English or Spanish.
ex. "I have so many tigyawats, oh!"

7. Like, when you can make kaya, always use like. Like, I know right?
ex. "Like, it's so init naman!"

8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?
ex. "Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?"
"It's so tight nga there, eh, you know, masikip?"

9. Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?"
ex. "Like, OMG! It's like traffic sa LRT"
"I know right? It's so kaka!"
"Kaka?"
"Kakaasar!"

10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have para full effect!
ex. "I'm, like, making aral at the Arrhneo!"
"Me naman, I'm from Lazzahl!"

------------

The bagay that you make kita in Facebook. This is, like, a re-post lang...

Monday, October 19, 2009

LOVE IN THE TIME OF LEPTOSPIROSIS

Monday, October 19, 2009 3
Hindi mo makakaila ang iyak ng mga kamag-anak niya sa ward ng ospital. Ang mga tinig ng panaghoy ng isang naulilang asawa, na halos mawalan na ng bait sa pagkawala ng kanyang mister.

Ginawa na namin ang aming makakaya. At kung minsan, kung nalalaman mo na wala ka nang magagawa para mailigtas pa ang buhay ng pasyente mo, nakakabigat talaga sa puso.

Dumating ang pasyente ko na naglalagnat, naninilaw, at hindi na umiihi ng dalawang araw. Hindi naman kailangang maging magaling na duktor para malaman na may leptospirosis ang pasyente. Dalawang linggo mula ng hagupit ni Bagyong Ondoy, at matapos ang katakut-takot na flood video footages and medical mission pictures na na-post sa Facebook, hindi lang basura sa kalsada ang iniwan ni Ondoy… kungdi isang peligrong pa-swimming-swimming sa tubig baha na itago na lang natin sa pangalang Leptospirosis.

Sa barangay Concepcion sa Marikina, napakaraming tao ang nagkaroon ng leptospirosis, considering the fact na nuong taong 2008, ZERO cases ang na-report sa lepto. Ibig sabihin, isang tao lang ang magkaroon ng lepto, eh papasa na sigurong tawagin na may “outbreak” na ng lepto dito.

Dito lang sa ospital, naglipana ang mga lepto patients. Halos kalahati sa kanila ay nag-dialysis. Dalawa na ang namamatay dahil sa pulmonary hemorrhage (or BDB… BAHA ng DUGO sa BAGA). Pawang karamihan ng mga pasyente namin na may lepto ay mga lalaki, pero may mga babae din. Kung hindi siguro ako duktor, malamang, isa sa mga miyembro ng pamilya ko ay nagka- leptospirosis na rin. Akala ko nga may pagka-OA ang pag-inom namin ng doxycycline, pero buti na lang pinagpilitan ko.

"Huli man daw at magaling, naihahabol pa rin."

Hindi yan siguro applicable sa lepto. Dalawang linggo matapos ang Bagyong Ondoy tsaka lang naglabas ng advisory ang DOH sa website nila. Pero siguro ito rin ang timing na maganda, dahil dalawang linggo din ang aabutin bago magkaroon ng simtomas sa leptospirosis. Pero hindi ko rin alam kung bakit walang advisory na kailangang uminom ng gamot na doxycycline para maiwasan ang lepto. Siguro dahil may ilang studies na nagsasabing hindi rin ito epektibo sa pagsugpo ng sakit.

FACTS ON LEPTO

- Ang sanhi nito ay isang bacteriang malikot na kuntawagin ay leptospira. At hindi mo sila pwedeng sabihan ng “scre* you!” dahil bukod sa bad ang magmura, eh mukha na talaga silang screws.

- Magkaka-lepto ka lang kung sumiksik ang bacteria sa balat na may sugat, or sa mucous membranes. Ang nagsasabog ng lepto ay ang mga hayop na infected din ng bacteria. Lumalabas ito sa weewee nila.

MAGIC FORMULA:
Weewee na may lepto + Baha ng Bagyo + Tao na pa-wade-wade sa baha = Sakit ng ulo sa duktor


- Pag ma-infect ng lepto, aabuting ng 2-28 days bago magka-simtomas. Ibig sabihin, pwedeng feeling mo ok ka ngayon pero yun pala may lepto ka rin. Akala mo lepto yun pala YUN NGA!

- Simtomas : lagnat, pananakit ng kalamnan, sakit ng ulo, pamumula ng mata, paninilaw, pananakit ng tiyan, pagsusuka, hindi umiihi, o kaya ay umiihi ng parang C2 iced tea.

- Kung meron kang nararamdaman, punta ka na sa duktor. Now na.

Hindi dapat katakutan ang lepto na yan. Kung kaya nating makabangon from Ondoy, lalo na sa sakit na lepto. Let’s fight leptospirosis!!

Monday, October 12, 2009

The 29th UST Department of Medicine Postgraduate Course

Monday, October 12, 2009 0
The University of Santo Tomas Hospital and the Department of Medicine of the Faculty of Medicine and Surgery will be having its 29th Annual Medicine Postgraduate Course on the 14th to 16th of October, 2009 at the CME Auditorium of the Medicine Building.



The program of activities of the annual postgraduate course can be downloaded at the WEBSITE by clicking here.

You may address further inquiries by sending an email to secretariat.ustpostgrad@gmail.com.

Sunday, September 27, 2009

Isang Paggunita Matapos Ang Bagyong Ondoy - Part 4 of 4

Sunday, September 27, 2009 5

Unti-unti nang humupa ang baha. Sa pag-uumaga, masid mo ang kaputikan ng buong baranggay namin na pwede nang pag-araruhan ng mga kalabaw. At ang kalat kalat! Ang daming kalat ng tao na bumabara sa mga estero. Lumabas ako ng gate, at nakitang maraming pamilya ang nagkukumpulan sa kung saan may silong. Ang mga sanggol na walang saplot na siyang yakap yakap ng mga inang hindi alam kung saan kukuha ng gatas. May mga batang nangunguha ng mga basura, pero parang pinipili lang nila ang basura. Kung di nila type, ikakalat lang nila ito ulit. Madaming mga mamang naka shirtless at kita yung tyan na malaki na nagpapaka-bum lang. Siguro may mga taong talagang pag nakaranas ng trahedya ay uupo na lang sa isang tabi at magaantay ng bayani na magliligtas sa kanila. May mga tao naman na gumagawa ng paraan para mabuhay. Katulad ng isang nakita kong inilalako ang natitira sa kanyang mga kagamitan para siguro may makain lamang.

Nasaan na kaya ang mga pulitiko? Sa mga nagsasabing “Dama ko kayo. Hindi ko kayo pababayaan!”. Asan na yung may jingle na “andami nang natulungan, kelangan lang subukan?”. Wala.

Napansin kong sa parish ng Concepcion Church nagsi-likasan ang maraming tao. Ito ang nagsilbing evacuation center. Bakas sa mga damit ng mga tao duon ang putik. Ang mga mata nila’y tila wala pang tulog.

Isang itim na fortuner ang nag-park sa simbahan, at may isang bigotilyong mama na bumaba dito at may dalang kahon na may supot na may lamang tinapay at itlog. Dinumog siya ng mga tao mala wowowee level. Ubos agad ang dala nito, wala pang 3 minutes. At wala maski isa sa mga nagsikuha ng tinapay ang nagpasalamat man lang. Or at least wala akong narinig. Para bang obligasyon pa na sila ang bigyan. Napatunganga at napangiti lang yung mama na may dalang sandwich. Saludo ako sa naipamalas niya. Dahil for a moment, nadaig niya ang mga daang-daang pulitiko na walang ginawa kungdi magpa-cute. Hindi kailangang maging pulitiko para makatulong sa bayan.

Ako man, gustuhin ko mang tumulong din, pero sarado ang mga ATM. Walang bangko. Walang grocery. Walang Jollibee. Sa 7-11, halos wala nang tinda. Walang Andok’s Litsong Manok. Sarado ang Mercury Drug Store. Walang sari-sari store. Mahirap bumili ng pagkain at mineral water. Maiisip mo talaga na ginugunaw na ang mundo. At parang gusto ko rin itanong sa sarili ko kung nananaginip lang ako. Bibihira ang mga pumapasadang mga jeep at kung meron man, puno na ito hanggang bubong. Inisip ko rin na kelangan kong bumalik sa ospital, pero paano? Sana magpadala si Father Rector ng helicopter para sunduin ako dito.

Nakabili ako ng tube ice, juice, at 5 kilong bigas. Kung saan saan kami umikot ng aking ama para makuha ang mga ito. Fried Chickeng Manok ang ulam kanina, may bacon, fish, pork liempo. Lahat ng pwedeng ma-prito dahil kelangan na ngang lutuin ang mga karne bago pa ito masira.

Nuong gabi, nagdasal kaming pamilya. Humabol ang isa ko pang kapatid kasama ang kambal nitong anak. The family that prays together stays together… literally.

Matapos ang lahat, ako’y nagsimula nang matulog.

Pero hindi ako maidlip. Bukod sa mainit, naisip ko kasi ang mga bagay na nangyari. At kung gaano naging mabuti ang Panginoon sa kabila ng bagyo. Mabuti na lang at may Diyos.

Malapit na sana akong makatulog ng biglang may liwanag akong nakita. At isang ugong na matagal-tagal ko nang hindi naririnig.

Ang ugong ng aircon sa kwarto ko. May kuryente na. Sa pagsindi ng mga ilaw, siya namang pagsindi ng pag-asang muling makakabangon ang sambayanang Pilipino sa bagyong ito. Mahirap magsimula ulit, pero hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong magsimula ulit. At dahil diyan, makakatulog na ako ng mahimbing.

Sa mga nais tumulong sa mga nasalanta ni Bagyong ONDOY:
Maaring mag-donate sa REDCROSS.


Kung magdodonate ng 100 pesos ang 1.6 million facebook users na Pinoy, eh di 160 million pesos na yun! let's make this happen!

Para sa iba pang paraan para makapagdonate:


Let's help build this country.

Isang Paggunita Matapos Ang Bagyong Ondoy - Part 3 of 4

Alam niyo ba na : Sa sobrang taas ng Bagyong si Ondoy, ginawa nag mistulang diving board ang mga poste sa may Recto? Hindi mo gets? Click HERE.



Masarap sanang itawa na lang lahat ng mga pangyayari. Pero sino ba naman ang makakatawa sa trahedya na sinasapit ng iba?
Minabuti ng Diyos na ligtas ang pamilya namin. Pero ang iba naming kakilala, sa bubong nagpalipas ng gabi. May mga umakyat ng puno para makaligtas, nawalan ng bahay. May mga walang makain, nabiktima ng landslide, nanakawan, nasiraan. Meron namang ibang hindi affected at pa-facebook facebook na lang. Wala naman kaming magagawa kungdi ipagdasal ang bawat isa… gusto man naming i-share sa mga tao ang jasmine rice, may large body of water called an “ocean” na naghihiwalay sa bahay namin from the outside world.

Ilan sa mga realization ko sa sumapit na baha:

1. Lahat ng bagay pwede mawala sa isang iglap. We don’t really own anything in this world, even our lives. Dahil ang Diyos ang nagmamay-ari ng lahat. Lahat ipinahiram lang ng Diyos sa atin. So kapag kinuha na Niya, hindi dapat magreklamo. At dahil ipinahiram lang niya ang lahat, dapat ingatan natin kung anu man ang mayroon tayo. Let us be good stewards of our possesions.

2. Sa krisis, lalabas ang tunay na pagkatao. Kapag ang ginto, nilagay sa apoy, lumalabas ang impurities. Ang tao, kapag sinusubok, lumalabas din ang tunay na kulay. At kadalasan, sinasagot nito ang tanong na “Anu ba talaga ang importante sa’yo sa mundo?”

3. Masarap sana maging bata kapag may krisis… kasi wala itong pinu-problema. Pero sign of immaturity ito. Ang tao, dapat harapin ang prublema, at hindi mag-pretend na kunwari ok ang lahat. But meron isang paraan para maging masaya rin kahit na may problema (at hindi nababaliw)… ito’y sa pananampalataya na ang Diyos ang Siyang may hawak ng lahat… pati problema mo hawak Niya (Cue: Take me out of the Dark by Gary Valenciano… yung “Trust in You with all of my heart” na part)

4. Walang maidudulot ang pangangamba o worrying kungdi wrinkles.

5. Dapat tanggalin ang pagka-materyoso. Sino ka, si Gollum na nagsasabi lagi ng My PRECIOUSS!!?! Nawawala nga ang mga bagay isang iglap lang. Sabi nga, “we should invest on things that are eternal”. At hindi ‘yun memorial plan, ok? Speaking of which, alam niyo bang may nagtangka pang magnakaw ng CRV namin? Nalubog na nga’t sa putik at lahat, gusto pang dekwatin? Tsk tsk tsk… grabe ang kasamaan sa lipunan ngayon. Nagiwan pa ng remembrance na dugo sa driver’s seat. Basag ang window, pero wala siyang nakuha. Pati yung stereo hindi rin niya nakuha. Salamat sa protection ni Lord at sa Mighty Bond.

6. Buti nang mabaha, wag lang masunugan. Iyan ang paulit-ulit na litanya ng nanay ko. Tama siya.

7. Siguro kaya minsan hinahayaan ng Diyos na mangyari ang mga bagyo sa buhay ay para maalala natin Siya. Tingnan mo sa facebook kahapon, bago na-lowbatt ang laptop ko. Puro “please pray for ganito…”, “thank God I’m safe” ang mga tweets ng tao. Nakakahiya lang nga kay Lord, kungdi pa magkaroon ng unos eh hindi pa lalapit sa Kanya ang tao. May kanta si Mariah Carey na may lyrics na “I can make it through the rain” pero we can make it through the storm only if God allows us.

8. Matatapos din ang bagyo. Sa gabi, malungkot at malamig, pero sa umaga, mainit na. Masaya na. (Nasa Bible yan. Psalm 30:5)

9. Ang laptop, hindi pwedeng kainin. Pati ang mga harvest sa Farmville/Farmtown.

Blog Widget by LinkWithin
 
Creative Commons License

Kwentong Duktor - dahil hindi ito kwentong barbero


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Design by http://pocket-templates.blogspot.com