Hindi ko naman siya masisisi.Isa lamang siyang batang nagsabi sa ina niya na nihihirapan na siyang huminga.
Sino ba naman ang mag-aakalang kinain na ng tuberculosis ang buong bahagi ng kanyang kaliwang baga? Eh sabi pa naman ni manong albularyo na pinaglalaruan lang siya ng engkanto.
Ang alam lang niya, hindi na muna siya makakapasok sa school at aabsent na muna siya.
Ang hindi niya alam, walang pambili ang mga magulang niya ng gamot para sa pulmonya at gamit para matanggal ang nana sa kanyang baga.
Kaya umalis na lang sila ng ospital, nagbabaka-sakaling may mahihingan ng tulong sa mga pang-gobyernong ospital. Habang nakikipaghabulan sa oras na kinakailangan para sugpuin ang impeksyon sa katawan ng bata bago pa ito tuluyang kumalat sa sistema.
Mahirap humagilap ng pera.
Mahirap na gamutan.
Mahirap na alagaan.
Mahirap dahil kakaunti lang ang makakatulong sa kanila. At yung may mga ibang mayayaman, nagmamaramot pa.
Tumingin ako sa wallet ko. Kamusta naman. Nag-iisang mukha ni Manuel Roxas ang natitira.
"Eto po, kunin nyo na, pantulong lang"
Umiyak si nanay. Sabay yuko, na para bang nahihiya pa.
"Tenks you po"
At umalis palabas ng ospital, bitbit ang anak na nahihirapan nang huminga, at hindi alam kung anu ang mga nangyayari.
Mahirap talaga maging mahirap.
Haay Panginoon, tulungan niyo po sila/kami.
----
Disklaimer lang : hindi siya yung nasa picture. Thanks.

dahil sa bawat kwento ng duktor, may mga kwentong sadyang nakaka-tumbling. mala-out of this world, mga tipong hindi mo kakayanin, or mga unbilibabol moments. hay. tumbling na lang tayo. 
Siya si 



1 na ang humirit. Hirit ka rin?:
sobrang hirap magkasakit. nakapagpa-transplant nga ako. nakaraos nga kami sa ginastos na mahigit 2M kahit mabaon sa utang, pero yung gamot ko naman buwan-buwan na umaabot ng 50K, di rin namin alam san namin kukunin... minsan nakakahingi sa PCSO... hay. my heart goes out to that kid. =(
Post a Comment