
Eto nga't nagmamadali na akong umuwi ng makita kong parang may art exhibit sa may cubao station ng mrt. Kaya naman naki-uzi na rin ako sa kung anu man ang nangyayari. Kunwari, cultured...hehe. Apparently, meron palang pa-contest ang LRT para sa mga magagaling mag-drowing. Basta gumawa ka ng obra sa temang : "LRT At Ang Buhay Pinoy" at kung magustuhan ng mga judges ang ginawa mo, may 200,000 pesos ka na tax free.
Sana magaling na lang ako mag-drawing.
Anyway, ito ang mga ilan sa nagustuhan ko sa exhibit. Medyo hindi nakuha ng pipitsugin kong camera ang mga kulay ng mga painting, so mas maganda kung pumunta na lang kayo sa Cubao station ng MRT. Hanggang July 31, 2009 ang exhibit. (Try niyo i-click ang image kung gusto nyo siyang makita ng mas malaki).
Marvin D. Gonzales"Ayan na Ang Tren!"
Acrylic On Canvas
Actually, ang nakaagaw pansin sa painting na ito ay yung "Glory To God" na karatula dun sa train. Sa lahat ng mga accomplishments sa buhay, sa Diyos pa rin ang parangal.
Ang sarap tingnan ng kulay ng painting na ito, nakaka-inis lang kasi nag-re-reflect yung ilaw sa exhibit dun sa lens ng camera ko kaya medyo may flare ang napakita kong picture. Ang galing lang din nang effect ng mga pinagtagpi-tagping mga shapes tapos bigla na lang nagkakaroon ng hugis... naaalala ko ang amino acids! hehe (eew, geek). Pinag-sususpetsahan ko na may Grave's disease yung nanay ng bata sa picture, hehe.
Thomas D. Daquioag"Super Pinoy 24/7 Kabalikat ng LRT"
Oil on Canvas
Naaliw ako dito talaga. Tingnan mo naman, kahit na marunong lumipad ang mga super heroes, eh pumipila pa rin para sumakay sa MRT! haha. Pero medyo may western influence ang superhero costumes nila. (Hello Green Lantern wannabe!) Sana na-drowing na lang si Darna, Kapitan Barbell, Aguiluz (although yung bata mukhang mulawin), atbp. Pero nag-enjoy talaga ako dito.
Para siyang digital scrapbook. Galeng. Pero may level of depth dahil hindi ko maintindihan kung ano ang pakahulugan ng bata sa gitna na kagat-kagat ang kanyang dila. May facies ang bata na ito, hindi ko lang maalala kung ano.
Redentor L Castillo, Jr."Lahat pantay-pantay, sa LRT sumasakay"
Oil on Canvas
Pa-vertical talaga ang painting na ito, kaso pahiga ko na lang i-p-in-ost. Magaling ang pagkakagawa niya, pati ang konsepto. Pero hindi lang ako sure dun sa title na ibinigay sa kanya, dahil parang hindi ito masyadong sumasaklaw sa obra. Kung ako, ang title na bibigay ko dito ay LRT : LEFT AND RIGHT TOES! Hehe. Palakpakan si Mr. Castillo, walang flat-footed sa na-drowing niya.
Ito ang nanalo ng Grand Prize. P-in-anis ni Mr. Panis ang ibang mga contestants. Ang ganda lang talaga ng painting na ito. Yung nakita ko ito sa actual, napangiti talaga ako. Buhay na buhay siya, pati yung bata sa picture na pa-cute pero cute din naman kaya ok lang. Again, hindi ko ulit na-tarok kumbakit ganyan ang title ng painting na iyan. Pero napatunayan dito na MONGOL pa rin ang pambansang lapis ng bayan!
(TO BE CONTINUED...)




dahil sa bawat kwento ng duktor, may mga kwentong sadyang nakaka-tumbling. mala-out of this world, mga tipong hindi mo kakayanin, or mga unbilibabol moments. hay. tumbling na lang tayo. 
Siya si 



0 na ang humirit. Hirit ka rin?:
Post a Comment