Sunday, September 27, 2009

Isang Paggunita Matapos Ang Bagyong Ondoy - Part 3 of 4

Sunday, September 27, 2009
Alam niyo ba na : Sa sobrang taas ng Bagyong si Ondoy, ginawa nag mistulang diving board ang mga poste sa may Recto? Hindi mo gets? Click HERE.



Masarap sanang itawa na lang lahat ng mga pangyayari. Pero sino ba naman ang makakatawa sa trahedya na sinasapit ng iba?
Minabuti ng Diyos na ligtas ang pamilya namin. Pero ang iba naming kakilala, sa bubong nagpalipas ng gabi. May mga umakyat ng puno para makaligtas, nawalan ng bahay. May mga walang makain, nabiktima ng landslide, nanakawan, nasiraan. Meron namang ibang hindi affected at pa-facebook facebook na lang. Wala naman kaming magagawa kungdi ipagdasal ang bawat isa… gusto man naming i-share sa mga tao ang jasmine rice, may large body of water called an “ocean” na naghihiwalay sa bahay namin from the outside world.

Ilan sa mga realization ko sa sumapit na baha:

1. Lahat ng bagay pwede mawala sa isang iglap. We don’t really own anything in this world, even our lives. Dahil ang Diyos ang nagmamay-ari ng lahat. Lahat ipinahiram lang ng Diyos sa atin. So kapag kinuha na Niya, hindi dapat magreklamo. At dahil ipinahiram lang niya ang lahat, dapat ingatan natin kung anu man ang mayroon tayo. Let us be good stewards of our possesions.

2. Sa krisis, lalabas ang tunay na pagkatao. Kapag ang ginto, nilagay sa apoy, lumalabas ang impurities. Ang tao, kapag sinusubok, lumalabas din ang tunay na kulay. At kadalasan, sinasagot nito ang tanong na “Anu ba talaga ang importante sa’yo sa mundo?”

3. Masarap sana maging bata kapag may krisis… kasi wala itong pinu-problema. Pero sign of immaturity ito. Ang tao, dapat harapin ang prublema, at hindi mag-pretend na kunwari ok ang lahat. But meron isang paraan para maging masaya rin kahit na may problema (at hindi nababaliw)… ito’y sa pananampalataya na ang Diyos ang Siyang may hawak ng lahat… pati problema mo hawak Niya (Cue: Take me out of the Dark by Gary Valenciano… yung “Trust in You with all of my heart” na part)

4. Walang maidudulot ang pangangamba o worrying kungdi wrinkles.

5. Dapat tanggalin ang pagka-materyoso. Sino ka, si Gollum na nagsasabi lagi ng My PRECIOUSS!!?! Nawawala nga ang mga bagay isang iglap lang. Sabi nga, “we should invest on things that are eternal”. At hindi ‘yun memorial plan, ok? Speaking of which, alam niyo bang may nagtangka pang magnakaw ng CRV namin? Nalubog na nga’t sa putik at lahat, gusto pang dekwatin? Tsk tsk tsk… grabe ang kasamaan sa lipunan ngayon. Nagiwan pa ng remembrance na dugo sa driver’s seat. Basag ang window, pero wala siyang nakuha. Pati yung stereo hindi rin niya nakuha. Salamat sa protection ni Lord at sa Mighty Bond.

6. Buti nang mabaha, wag lang masunugan. Iyan ang paulit-ulit na litanya ng nanay ko. Tama siya.

7. Siguro kaya minsan hinahayaan ng Diyos na mangyari ang mga bagyo sa buhay ay para maalala natin Siya. Tingnan mo sa facebook kahapon, bago na-lowbatt ang laptop ko. Puro “please pray for ganito…”, “thank God I’m safe” ang mga tweets ng tao. Nakakahiya lang nga kay Lord, kungdi pa magkaroon ng unos eh hindi pa lalapit sa Kanya ang tao. May kanta si Mariah Carey na may lyrics na “I can make it through the rain” pero we can make it through the storm only if God allows us.

8. Matatapos din ang bagyo. Sa gabi, malungkot at malamig, pero sa umaga, mainit na. Masaya na. (Nasa Bible yan. Psalm 30:5)

9. Ang laptop, hindi pwedeng kainin. Pati ang mga harvest sa Farmville/Farmtown.

1 na ang humirit. Hirit ka rin?:

felmar said...

ang ganda ng mga realizations mo doc! natutuwa ang baby priest sa u.

Blog Widget by LinkWithin
 
Creative Commons License

Kwentong Duktor - dahil hindi ito kwentong barbero


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Design by http://pocket-templates.blogspot.com