Sunday, September 27, 2009

Isang Paggunita Matapos Ang Bagyong Ondoy - Part 4 of 4

Sunday, September 27, 2009

Unti-unti nang humupa ang baha. Sa pag-uumaga, masid mo ang kaputikan ng buong baranggay namin na pwede nang pag-araruhan ng mga kalabaw. At ang kalat kalat! Ang daming kalat ng tao na bumabara sa mga estero. Lumabas ako ng gate, at nakitang maraming pamilya ang nagkukumpulan sa kung saan may silong. Ang mga sanggol na walang saplot na siyang yakap yakap ng mga inang hindi alam kung saan kukuha ng gatas. May mga batang nangunguha ng mga basura, pero parang pinipili lang nila ang basura. Kung di nila type, ikakalat lang nila ito ulit. Madaming mga mamang naka shirtless at kita yung tyan na malaki na nagpapaka-bum lang. Siguro may mga taong talagang pag nakaranas ng trahedya ay uupo na lang sa isang tabi at magaantay ng bayani na magliligtas sa kanila. May mga tao naman na gumagawa ng paraan para mabuhay. Katulad ng isang nakita kong inilalako ang natitira sa kanyang mga kagamitan para siguro may makain lamang.

Nasaan na kaya ang mga pulitiko? Sa mga nagsasabing “Dama ko kayo. Hindi ko kayo pababayaan!”. Asan na yung may jingle na “andami nang natulungan, kelangan lang subukan?”. Wala.

Napansin kong sa parish ng Concepcion Church nagsi-likasan ang maraming tao. Ito ang nagsilbing evacuation center. Bakas sa mga damit ng mga tao duon ang putik. Ang mga mata nila’y tila wala pang tulog.

Isang itim na fortuner ang nag-park sa simbahan, at may isang bigotilyong mama na bumaba dito at may dalang kahon na may supot na may lamang tinapay at itlog. Dinumog siya ng mga tao mala wowowee level. Ubos agad ang dala nito, wala pang 3 minutes. At wala maski isa sa mga nagsikuha ng tinapay ang nagpasalamat man lang. Or at least wala akong narinig. Para bang obligasyon pa na sila ang bigyan. Napatunganga at napangiti lang yung mama na may dalang sandwich. Saludo ako sa naipamalas niya. Dahil for a moment, nadaig niya ang mga daang-daang pulitiko na walang ginawa kungdi magpa-cute. Hindi kailangang maging pulitiko para makatulong sa bayan.

Ako man, gustuhin ko mang tumulong din, pero sarado ang mga ATM. Walang bangko. Walang grocery. Walang Jollibee. Sa 7-11, halos wala nang tinda. Walang Andok’s Litsong Manok. Sarado ang Mercury Drug Store. Walang sari-sari store. Mahirap bumili ng pagkain at mineral water. Maiisip mo talaga na ginugunaw na ang mundo. At parang gusto ko rin itanong sa sarili ko kung nananaginip lang ako. Bibihira ang mga pumapasadang mga jeep at kung meron man, puno na ito hanggang bubong. Inisip ko rin na kelangan kong bumalik sa ospital, pero paano? Sana magpadala si Father Rector ng helicopter para sunduin ako dito.

Nakabili ako ng tube ice, juice, at 5 kilong bigas. Kung saan saan kami umikot ng aking ama para makuha ang mga ito. Fried Chickeng Manok ang ulam kanina, may bacon, fish, pork liempo. Lahat ng pwedeng ma-prito dahil kelangan na ngang lutuin ang mga karne bago pa ito masira.

Nuong gabi, nagdasal kaming pamilya. Humabol ang isa ko pang kapatid kasama ang kambal nitong anak. The family that prays together stays together… literally.

Matapos ang lahat, ako’y nagsimula nang matulog.

Pero hindi ako maidlip. Bukod sa mainit, naisip ko kasi ang mga bagay na nangyari. At kung gaano naging mabuti ang Panginoon sa kabila ng bagyo. Mabuti na lang at may Diyos.

Malapit na sana akong makatulog ng biglang may liwanag akong nakita. At isang ugong na matagal-tagal ko nang hindi naririnig.

Ang ugong ng aircon sa kwarto ko. May kuryente na. Sa pagsindi ng mga ilaw, siya namang pagsindi ng pag-asang muling makakabangon ang sambayanang Pilipino sa bagyong ito. Mahirap magsimula ulit, pero hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong magsimula ulit. At dahil diyan, makakatulog na ako ng mahimbing.

Sa mga nais tumulong sa mga nasalanta ni Bagyong ONDOY:
Maaring mag-donate sa REDCROSS.


Kung magdodonate ng 100 pesos ang 1.6 million facebook users na Pinoy, eh di 160 million pesos na yun! let's make this happen!

Para sa iba pang paraan para makapagdonate:


Let's help build this country.

5 na ang humirit. Hirit ka rin?:

rex said...

great humor doc, in spite of everything ^_^

Moja said...

Haha! Ako naimmune na sa baha nung nasa Greenheigts kame. Hehe. Marunong akong mag walis ng tubig at putik. May technik pa nga yun eh.. hehe..

felmar said...

natutuwa ako at safe ang family mo doc.

salamat din at safe ang aking family friends dyan sa industrial valley sa marikina...

right, totoong lumabas ang bayanihan spirit ng ating mga kababayan...ngunit tinapatan din ito ng ibang mga kababayan natin na nagpakita ng kakaibang kulay to the highest level: mga magnanakaw doon sa provident village, mga nanggugulang sa pilahan ng relief services, nagpapa-fotocopy ng stub para maging multi-recipient ng relief good. kita pa mandin sa tv...

have a nice day doc! God bless +

felmar said...

doc, add mo naman ako sa facebook para lagi ako may libreng konsulta. waaaaa!!!

felmar said...

fielsvd@yahoo.com

yan ang email add ko sa feysbuk.

Blog Widget by LinkWithin
 
Creative Commons License

Kwentong Duktor - dahil hindi ito kwentong barbero


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Design by http://pocket-templates.blogspot.com