Alam mo ba: Na ang rainfall ni Ondoy ay 16.7 inches in 12 hours kumpara sa 15.4 inches ng buong Setyembre? Ibig sabihin, ang binuhos na tubig ni Ondoy in a span of labindalawang oras ay higit pa sa ibinuhos ng lahat ng ulan noong nakaraang buwan! Ang lufet. In so many levels.

PART II of IV
Tumigil na ang ulan, at sa pagdungaw mo sa labas, wow, akala mo mayaman kang nasa resort dahil yung bahay mo ay mistulang situated by the sea. Wala nang kalsada. Lahat H-2-O na lang. Lubog ang kotse namin, pati yung CRV, bubong na lang ang nakikita. Sa daanan, may jeepney na na-stranded sa harap ng bahay namin. At ang mga kawawang pasahero na parang forever ng nagaantay duon… ay nagaantay pa rin. Ang tiyaga! Kung Super Ferry lang sana ang nasakyan nila, eh di sana gumalaw na sila, wag lang sana tumaob.
At dahil nagiimbak ng karne ang nanay ko sa freezer naming palutang-lutang na ngayon, kung ilang kilo ng chicken, pork, fish ang ngayon ay nagtutunawan nang unti-unti. Actually, ang worry ng nanay ko eh baka mabulok silang lahat. May naisalba din kaming gas at stove. So nagkaroon ng instant kitchen sa second floor ng bahay namin. Adobo ang menu dahil bukod sa soy sauce, suka, at patis na lang ang mga rekadong nakulimbat sa baha eh hindi madaling masira ang adobo. So hinanda ko na ang sarili ko na sa buong linggo, puro adobo ang aming kakainin. At least adobo at hindi sashimi.
Sinu-sino kami sa bahay? Si papa, si mama, ako, yung asawa ni kuya kasama ang anak nitong may sakit at isang baby na tawa ng tawa na parang walang prublema sa mundo. Si doktora na siyang dentista na kapitbahay namin, at isa pa niyang kasama. Plus yung tatlong kasambahay namin. Si kuya at ang panganay na anak nito, hindi nakauwi dahil lagpas tao na ang baha pero nakahinga na kami ng maluwag nung nakausap na namin sila. At gusto ko lang sabihin na palpak ang Globe at Smart. Sa oras ng national crisis, hindi ito maaasahan. Ang panalo? Sun Cellular…na siyang akala ng nanay ko ay powered ng solar energy kaya malakas pa rin ang signal… hahaha.Sa ilaw ng mga aromatic candles na pandekorasyon-lang-sana-pero-nagamit-ng-di-oras, nagsaing na at nagluto ng adobo ang mga tao. Susyal, jasmine rice pa ang rice namin. At meron din palang hipon na hinalabos. (hindi nahuli sa baha yung hipon, galing ito sa palutang-lutang na ref). Hindi ko napansin na gutom na pala ako hanggang sa unang subo. Masarap kumain hindi lang dahil sa masarap ang pagkain, kungdi dahil sama sama pa rin kaming magpapamilya. Hindi malamig ang inumin namin, pero okay lang. Na-realize ko na hindi sa lahat ng okasyon na ganito eh kelangan ng Coke.

dahil sa bawat kwento ng duktor, may mga kwentong sadyang nakaka-tumbling. mala-out of this world, mga tipong hindi mo kakayanin, or mga unbilibabol moments. hay. tumbling na lang tayo. 
Siya si 



2 na ang humirit. Hirit ka rin?:
may nagustuhan ako dito doc. panalo ang sun.
yehey!
wow doc nakita ko kayo sa bahay ni jason hamster
kaya bumisita rin po ako sa inyo
alam nyo po na bilib na bilib po ako sa mga doctor kase ang laki ng naitutulong nyo........
http://lhen8.wordpress.com/2009/08/27/tlc/
isang patunay po yan na bilib ako sa doctor...
at isa akong fan ng korean movie SURGEON BONG DHA LEE
Ihahanay ko po kayo sa aking site ha :-)
Post a Comment